Tuesday, February 8, 2011

Siya Lang Ang Nag-iisa



Gustuhin mo man siyang kalimutan pero hindi mo magawa.
Pagpinilit mo lalo mo lang siya maaalala
May mga bagay na nag-uugnay sa inyo
Kahit ang isa't-isa ay malayo

Kahit iwasan mo man ang mga bagay na iyon,
Pilit pa rin iyon bumabalik sa iyong puso
Kahit maraming bagay ang dahilan na dapat siyang kalimutan
Di pa rin magawa nang iyong pusong tunay na nagmamahal

Ibaling mo man sa iba ang nadarama
Ngunit pag-ibig sa kanya's di pa rin nag-iiba
Dahil sa puso and isipan mo
Siya lang ang nag-iisa


Originally written on November 6, 2003

No comments:

Post a Comment