Tuesday, February 8, 2011

More Than A Friend


Masaya ako pagkasama kita
Palitan ng ngiti sa isa't-isa
Sabi mo pa nga sa akin noon na
Sana tumagal pa tayong dalawa

Sa aking puso'y kay hirap pakinggan
Kahit iyon ay sa pagkakaibigan
Sana hindi na lang kita naging friend
Parang naging tayo ngayon until end

Alam kong hanggang pangarap lang ako
Kasi kaibigan lang ako sayo
Dahil alam ko naman na ang mahal mo
Ay ang kaibigan ko at hindi ako

Dinadaan na lang ang selos sa biro
At heto naman sumasakay ang loko
Friend, kung alam mo lang sana
Mahal kita higit pa sa iyong akala.


Originally written on April 29, 2004

No comments:

Post a Comment