Tuesday, February 8, 2011

Ballpen at Papel


Ballpen at papel ang laging kasama
Sa lungkot at saya na nadarama
Nabibilang ang bawat patak ng luha
Nakikita ang saya sa kislap ng mga mata

Pagnakadama na nang pag-iisa
Lungkot at nawawalan ng pag-asa
Ballpen at papel ang laging kasama
Ibinubuhos ang lahat ng nadarama

Kapag sa puso nadarama ang kaligayahan
Ballpen at papel ang kasama sa kwentuhan
Alam ang bawat ditalye at nilalaman
Ng pusong walang malagyan ng kaligayahan

Minsang walang masabihan at walang nakakaintindi
Sa pagdurusa at sayang nadarama sa sarili
Hindi niyo naman ako masisisi
Kung ballpen at papel ang tinuturing kakampi.

Originally written on January 11, 2004


No comments:

Post a Comment