Pages

Showing posts with label Tag-alog Poems. Show all posts
Showing posts with label Tag-alog Poems. Show all posts

Tuesday, February 8, 2011

More Than A Friend


Masaya ako pagkasama kita
Palitan ng ngiti sa isa't-isa
Sabi mo pa nga sa akin noon na
Sana tumagal pa tayong dalawa

Sa aking puso'y kay hirap pakinggan
Kahit iyon ay sa pagkakaibigan
Sana hindi na lang kita naging friend
Parang naging tayo ngayon until end

Alam kong hanggang pangarap lang ako
Kasi kaibigan lang ako sayo
Dahil alam ko naman na ang mahal mo
Ay ang kaibigan ko at hindi ako

Dinadaan na lang ang selos sa biro
At heto naman sumasakay ang loko
Friend, kung alam mo lang sana
Mahal kita higit pa sa iyong akala.


Originally written on April 29, 2004

Ballpen at Papel


Ballpen at papel ang laging kasama
Sa lungkot at saya na nadarama
Nabibilang ang bawat patak ng luha
Nakikita ang saya sa kislap ng mga mata

Pagnakadama na nang pag-iisa
Lungkot at nawawalan ng pag-asa
Ballpen at papel ang laging kasama
Ibinubuhos ang lahat ng nadarama

Kapag sa puso nadarama ang kaligayahan
Ballpen at papel ang kasama sa kwentuhan
Alam ang bawat ditalye at nilalaman
Ng pusong walang malagyan ng kaligayahan

Minsang walang masabihan at walang nakakaintindi
Sa pagdurusa at sayang nadarama sa sarili
Hindi niyo naman ako masisisi
Kung ballpen at papel ang tinuturing kakampi.

Originally written on January 11, 2004


Siya Lang Ang Nag-iisa



Gustuhin mo man siyang kalimutan pero hindi mo magawa.
Pagpinilit mo lalo mo lang siya maaalala
May mga bagay na nag-uugnay sa inyo
Kahit ang isa't-isa ay malayo

Kahit iwasan mo man ang mga bagay na iyon,
Pilit pa rin iyon bumabalik sa iyong puso
Kahit maraming bagay ang dahilan na dapat siyang kalimutan
Di pa rin magawa nang iyong pusong tunay na nagmamahal

Ibaling mo man sa iba ang nadarama
Ngunit pag-ibig sa kanya's di pa rin nag-iiba
Dahil sa puso and isipan mo
Siya lang ang nag-iisa


Originally written on November 6, 2003

Simpleng Tula


Eto ako nakaupo and walang magawa.
Walang makausap ni isa.
Nakakainggit naman sila.
Lesson namin kanilang nababasa.

Walang matinong computer na magamit.
Iyong iba may kulang at hindi makaconnect.
ICDL dapat pa namang basahin,
Para sa darating na quiz namin.

Malapit na rin ang oras,
Para kami ay lumabas.
Isang oras na rin ang lumipas,
Makakauwi na rin sa wakas.

Tapos na rin ang klase,
At oras na rin para umuwi.
Paalam muna sa kaibigan,
At bukas tuloy na naman sa pag-aaral.

Kahit papaano may nagawa rin,
Sa kadahilanang sarili ay libangin.
Dahil sa walang makausap at magawa,
Nakagawa rin ako ng simpleng tula..

Originally written in October 2003

Ang Tunay Mong Halaga


Sa inyong pagkakaibigan,
Ika'y minsa'y nababaliwala.
Dahil sa pansariling kagustuhan,
Ng iyong kaibigang kasa-kasama.

Minsan iyong nararamdaman,
Nag-iisa lang sa kawalan.
Di mo matanggap ang katotohanan,
Na ang nagpapahirap ay isang kaibigan.

Kaibigan ko, wag mong iisipin,
Na ika'y nag-iisa at walang makapiling.
Sa paligid ikaw ay tumingin,
Nandito kami para ikaw ay yakapin.

Kahit siya ay di nakauunawa,
Sa sakit na siya mismo ang may gawa.
Balang araw malalaman din niya,
Ang tunay mong halaga.

Originally written on September 27, 2003